Saturday, October 3, 2009

Weather Update :)

Let me start this blog by Thanking God. It was a real challenging week. I've discovered lots of things about me and my family. Iba talaga pag nasusuong ka sa isang napakatinding sitwasyon, marami kang nalalaman tungkol sa mga limitations mo at sa mga ugali ng mga kasama mo sa buhay. I'm just glad we're all ok and our lives are spared. First time na bumaha ng ganon sa bahay namin. We've been living there for 30 years already ngyun lng bumaha ng ganun. Marikenyo pala ako. Salamat sa Dios talaga. We managed to save some electronic stuff like computers and some television, yung iba iniwan nlng namin sa baha. Talagang mabilis tumaas yung tubig, at yung mga kaya lng talaga namin yung na save at nadala sa second floor. Actually, ung second floor na ginawa ng tatay ko parang tree house lng nya, although its made of concrete eh wala naman talagang natutulog dun. Ngyun lng namin nalaman talaga ang naging greater purpose nung kaya pala nagawa yun. Thank God talaga. Nagmistulang Noahs ark namin yung kwarto. Naaawa ako dun sa mga neighbors namin na walang 2nd floor kse they can't save anything but themselves. Most houses sa amin are bungalow kaya just imagine the trouble they're into while the flooding. 

Sa ngyun electricity is back and also the phone lines. We've tested some appliances like the ref and the washing machine and its working naman. Mabuti dahil super daming putikang damit na lalabhan.  Hindi ko pa maibaba yung computer ko kaya hindi pa naka set up. I emailed my personal clients to tell them what happened and Thank God they are really nice to me. Salamat talaga abut abot. Yun nga lng this coming week sobrang dami kong gagawin as in tambak and I have to go to my day job din, walang pahinga. After one week of cleaning wala paring relaxation time. Even now its raining where I am and I just hope na it doesn't flood again in the nearest future, kse talagang pata na ako ng kalilinis.

Back to PANATA. 3 pages nlng and the weather changed everything. As for now I don't see the 1st chapter being printed. I decided to finish the whole PANATA book and hopefully umabot siya next year sa Comic Con. I'm thinking of finishing Chapter one as a teaser and posting it sa net. Abang abang nlng po.

Thanks be to God.

No comments:

Post a Comment