For all those who are wondering...Tuloy paba yang SINAG na yan? Kumusta na kaya ang proyektong ito? Bakit wala man lang update sa blog na to? Buhay paba yung creator nyan? lol
Sa totoo lng, napakahirap maghanap ng oras para gumawa ng isang Komiks lalo na kung marami ka pang ibang nais gawin o dapat na gawin bukod dito. Una, hindi ito bayad. Para sa isang Artist na kumakayod ang bawat oras at bawat minuto ay mahalaga. Halos araw araw at gabi gabi mayroong mga bagay na mas priority bukod sa mga personal na projects na tulad nito. Yun bang mga projects na may nagbabayad...hehehe. Love lng naman talaga ang fuel para sa mga ganitong projects. Hindi ako fulltime na Comics artist at meron din naman akong Lovelife kaya meron akong excuse na isang-tabi ang PANATA kung gugustuhin ko.
Pero hindi ito ang dahilan. Sa ibaba makikita mo na meron akong isa pang ginagawang personal na project. Hindi ito konektado sa PANATA o kay Heneral SINAG. Isa itong istorya na matagal ko nang naisip gawin at siguro habang may sipag pa ako at tiyaga na gumawa ng mga ganitong klaseng mga pagkakaabalahan ay isiningit ko na ito. Ayoko magbigay ng ditalye dito sa Blog na ito sa dahilang ang space na ito ay para sa PANATA. Ang masasabi ko lamang eh mayroon na itong 50 pages at present at balak ko muna itong tapusin bago ko balikan ang PANATA. Siguro mga 50 pages pa ulit bago ito matapos...hehehe. Sa mga naghihintay ng paglipad ng SINAG, siguro kaunting pasensya pa. Nakakabato kasing mag concentrate sa isang project eh, hindi ako napapakali. KUBLI nga pala ang title niyang sa baba. Yun po muna.






No comments:
Post a Comment